Nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) MIMAROPA at Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region IV upang mabigyan ng libreng competency assessment ang mga drayber ng Public Utility Vehicle (PUV).
Noong Pebrero 8, 2017 ay pormal na nilagdaan nina TESDA MIMAROPA Regional Director Carlos C. Flores, CESO IV at LTFRB Region 4 Gualberto N. Gualberto ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa LTFRB’s Drivers Badge Program para sa libreng competency assessment ng mga drayber ng PUV.
Layunin ng proyekto na mabigyan ng Driving National Certificate II (NC II) ang mga drayber ng PUV para mabigyan ng drivers badge ID para magdrive at mag operate ng PUV ayon na rin sa LTFRB Memorandum Circular No. 2015-011.
Kaugnay nito, nakatakda na ngayong Marso 8-10, 2017 at Marso 16-17, 2017 ang gaganaping National Competency Assessment and Certification sa Torrijos, Marinduque at Puerto Galera, Oriental Mindoro. Itinatayang 500 na mga drayber ang sasalang sa naturang competency assessment.
end